Home NATIONWIDE Vis-Min posibleng ulanin sa ITCZ

Vis-Min posibleng ulanin sa ITCZ

182
0

MANILA, Philippines – Inaasahan ang maulap na kalangitan at kalat-kalat na pag-ulan sa Visayas, Mindanao, at Palawan ngayong Sabado dahil sa Intertropical Convergence Zone (ITCZ), ayon sa PAGASA.

Posibleng magkaroon ng flash flood o landslide bunsod ng katamtaman hanggang malakas na pag-ulan.

Samantala, makararanas ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng Luzon ng bahagyang maulap hanggang maulap na kalangitan na may panaka-nakang pag-ulan o pagkidlat-pagkulog dahil sa easterlies.

Maaaring magdulot din ito ng flash flood o landslide sa mga malalakas na thunderstorm.

Inaasahan ang banayad hanggang katamtamang hangin at alon sa buong bansa. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here