Home METRO Grupo nagkilos-protesta sa Maynila, kinuwestiyon tunay na kalagayan ng bansa

Grupo nagkilos-protesta sa Maynila, kinuwestiyon tunay na kalagayan ng bansa

1
0

MANILA, Philippines – Nagsagawa ng kilos-protesta ang multisektoral na Kilusan para sa Pambansang Demokrasya o KILUSAN kasabay ng ikalimang State of the Nation Address ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Inilantad ng grupo ang higanteng instalasyon ng mga baraha na sumisimbolo umano sa pagkontrol ng dayuhang kapangyarihan at malalaking korporasyon sa soberanya, bigas, enerhiya at karapatan ng mga manggagawa.

Kinuwestiyon ng KILUSAN ang pagbanggit ng administrasyon sa upper middle-income status ng Pilipinas, kasabay ng umano’y patuloy na kagutuman, mataas na presyo ng bilihin at mababang kita ng mga manggagawa.

Ayon sa grupo, humigit-kumulang 17 milyong Pilipino ang nakararanas ng matinding kagutuman.

Binatikos din ng KILUSAN ang lumalawak na pakikipagtulungang militar ng Pilipinas sa Estados Unidos at iba pang bansa.

Iginiit ni KILUSAN Secretary-General Attorney Virgie Suarez na hindi sapat na sukatan ng pag-unlad ang paglago ng ekonomiya kung nananatiling mabigat ang kalagayan ng mga ordinaryong mamamayan.

Isinagawa ang kanilang protesta sa Recto Avenue bandang Taft Ave hanggang sa harapan ng University of the East king saan hindi na sila nakatuloy hanggang Mendiola dahil isinara na ang kalsada sa lahat ng motorista at pedestrian. Bukod sa Maynila, nagsagawa din ng protesta sa Quezon City at Cebu bilang panawagan sa pananagutan ng pamahalaan. JAY Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here