Home OPINION GULO SA MIDEAST

GULO SA MIDEAST

195
0

GINUNITA kahapon, Oktubre 7, ang ginawang pag-atake ng ‘Hamas’ sa Israel noong isang taon kung saan higit 1,200 Israeli at ilang dayuhan ang namatay; aabot naman sa halos 400-katao ang “binitbit” ng Hamas pabalik sa Gaza upang maging ‘hostages’ ng grupo.

Bilang ganti, hindi lang atake sa Gaza, bagkus, pinalawak pa ng Israel ang agresyon nito sa Middle East (Mideast) kung saan inatake rin ang West Bank, Lebanon at mga base ng ‘Muslim/Arab militant groups’ sa Jordan, Syria, Iraq at Yemen. Kahit ang Iran, inatake din.

Kapalit ng halos 2,000 ‘casualty’ sa atake ng Hamas, aabot na sa halos 100,000 katao ang namatay sa “resbak” ng Israel kung saan higit 80 porsiyento ay mga sibilyan– bata, matanda, health workers, kasama na ang higit 200 mamamahayag at maraming iba pa.

Hindi na “paghihiganti” ang gusto ng Israel. Ang layunin nito ay “ubusin” ang mga Palestino (genocide/ethnic cleansing) bilang lahi upang masakop ang kabuuan ng Lebanon, ilang bahagi ng Saudi Arabia, Jordan, Egypt at Iraq at maitatag ang tinatawag nitong ‘Greater Israel.’

Malakas ang loob ng Israel dahil ano mang kalupitan ang gawin nito sa Mideast, buo ang suporta dito ng ‘Tadong Unidos– ang mga armas na pumatay sa libo-libong biktima ng Israel ay pawang suplay ng Amerika.

Nakaraang linggo, “inurot” ng Kano ang Israel na direktang atakihin ang Iran at targetin ang ‘oil infrastructures’ nito. Iran daw kasi ang ‘protector’ ng mga galit sa Israel.

Buwelta ng Iran, “subukan” lang, at aatakihin din nito ang LAHAT ng ‘oil infrastructures’ ng mga bansang “kakampi” ng Kano– Saudi, Kuwait, UAE.

Naloko na! Paano na ang presyo ng langis sa ‘Pinas, aber?

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here