Home NATIONWIDE Gunman sa Resorts World attack, inabswelto ng SC sa kasong dishonesty

Gunman sa Resorts World attack, inabswelto ng SC sa kasong dishonesty

MANILA, Philippines – Binaliktad ng Korte Suprema ang hatol na guilty at parusang pagsibak sa serbisyo sa isang tauhan ng Department of Finance na sangkot sa trahedya sa Resorts World Hotel noong 2017.

Sa 16 pahinang desisyon ng Supreme Court En Banc, napatunayan nila na nagkamali ang Court of Appeals noong 2016 sa hatol nitong guilty sa kasong Dishonesty laban sa petitioner na si Jessie Javier Carlos.

Kasama sa pinababaliktad ng Korte Suprema ang parusang dismissal sa serbisyo, kanselasyon ng eligibility, pagbawi sa retirement benefits at habambuhay na diskuwalipikasyon sa alinmang puwesto sa gobyerno.

Napatunayan ng Kataas-taasang hukuman na hindi nabigyan ng pagkakataon si Carlos na maitama ang mga pagkakamali at pagkukulang sa SALN nito.

Nauna nang hinatulan ng Ombudsman na guilty sa grave misconduct at gross neglect of duty si Javier dahil sa kabiguang ideklara sa SALN ang ilan sa kanyang mga ari-arian.

Si Javier ang itinuro ng PNP na nagsunog at namaril sa Resorts World sa Pasay City noong 2017 na ikinamatay ng halos 40 tao at ikinasugat ng 70 iba pa.

Natagpuan siyang wala nang buhay matapos umanong magpatiwakal matapos gawing ang pag-atake. Teresa Tavares