Home NATIONWIDE Habagat iiral sa Palawan, Mindanao

Habagat iiral sa Palawan, Mindanao

MANILA, Philippines – Makararanas ng maulap na kalangitan at may mga kalat-kalat na pag-ulan ang ilang bahagi ng Palawan at Mindanao.

Ayon sa PAGASA, ang BARMM, Zamboanga Peninsula, Soccsksargen, Northern Mindanao, at Palawan ay magkakaroon ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorm dahil sa Habagat.

Magdadala naman ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may isolated rain showers o thunderstorm sa nalalabing bahagi ng Pilipinas ang localized thunderstorm. RNT/JGC