Home OPINION HALALANG 2028 MULING UMARANGKADA

HALALANG 2028 MULING UMARANGKADA

348
0

NAGSIMULANG umarangkada muli ang pagtuon ng mata ng mga politiko sa halalang 2028.

‘Yan ay kung walang mangyaring pipigil dito mula sa mga araw na ito hanggang bago mag-2028.

Napakarami kasing banta na pagpapatatalsik kay Pangulong Bongbong Marcos ngayon.

Naririyan ang nilulutong civil-military hunta, kudeta, people power 3, impeachment laban sa kanya at iba pa.

Alalahaning may mga magaganap pang mga Setyembre 21 at Nobyembre 30 na darating bago maghalalang 2025 at nagpapainit ang mga ito sa mga layuning maagang pagpapababa sa pwesto sa Pangulo.

MGA SARBEY

May nagpasimula na ng sarbey sa hanay ng mga senador para sa posisyong Vice President at nanguna rito si Senador Bong Go at sumusunod sa kanya, bagaman malayo ang agwat nito sa kanila, ang ilang dati at kasalukuyang senador at ni Manila Mayor Isko Moreno.

Maaaring masundan pa ito ng mga sarbey dahil sa rami ng mga nagsasarbey na grupo.

Maaaring aabot na rin sa posisyong Pangulo at hindi lang hanggang Vice President ang mga susunod na isa-sarbey.

Nagiging palatandaan ang WR Numero Research survey ng pagsisimula ng arangkadang pulitikal sa halalang 2028.

IMPEACHMENT

Bahagi ng arangkada ng halalang pulitikal sa 2028 ang paghahanda ng muling pagsasampa ng kasong impeachment laban kay Vice President Sara Duterte.

Bukod sa dati nang naisampa ngunit diniskaril ng Supreme Court sa pagiging labag sa Konstitusyon, nagluluto ang isang grupo ng panibagong impeachment laban kay Inday Sara.

Maaaring gamitin nila ang mga nabuo nang mga batayan sa mga naunang impeachment o dagdagan ang mga ito.

Kapag nagtagumpay kasi ang Sara impeachment, maaaring hindi na makapagkakandidato muli si Inday Sara.

Kalakip ng panibagong impeachment ang pagtatangka nila na ubusin ang mga senador na pinaniniwalaan nilang maaaring kumampi sa Vice President.

Uubusin sila sa pamamagitan ng pagpapakulong sa kanila gamit ang mga kontrobersya sa flood control scandal at iba pa at manaig ang mga senador na pro-impeachment.

Nasa mga senador kasi, bilang Impeachment Court, ang magpapasya sa kapalaran ni Inday Sara, tama man sila o mali.

Sa kabuuan at kasalukuyang sitwasyon, napakalakas at napakatibay kasi ang tinutuntungan ni Inday Sara bilang kandidatong Pangulo sa 2028 at nais na gibain ito ng kahit sinong nagnanais na ibang kandidato.

Isa pa, may isang punto na sinasabi kahit ng mga barbero: Ang isang nag-ambisyon na hahamon kay Inday Sara sa 2028 ay wala nang kapag-a-pag-asang makukuha ang pagsang-ayon ng mga mamamayan lalo’t isinasangkot ito sa malakihan at malawakang korapsyon at pangingikbak.

Kung ganu’n, sino naman ang itatayong kandidato ng mga may gustong gibain ang kasalukuyang Vice President?

MAGHALALAN

Para sa ating Uzi, pinakamainam na sundin ang tadhana ng Konstitusyon sa pagpapalit o pananatili ng mga halal na opisyal ng bayan sa pamamagitan ng halalan.

Kaya naman, anomang hakbang na balewalain ito ay dapat isantabi kahit pa laman din ng Konstitusyon na pupwedeng maalis sa tungkulin at hindi na pupwede pang manungkulan ang na-impeach na opisyal.

Lalo na kung ang impeachment ay higit na nakatali sa pansariling interes at hindi naman talaga para sa kapakinabangan ng sambayanan.

Ano sa palagay ninyo, mga Bro?

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here