MANILA, Philippines – Umabot sa halos ₱1 bilyon halaga ng iligal na droga ang nakumpiska ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa mga operasyon mula Agosto 8 hanggang 15.
Ayon sa ulat, 135 suspek ang naaresto—kabilang ang 85 tulak, 17 operator ng drug den, 26 kliyente, at pito pang gumagamit. Nakumpiska ang 146,278 gramo ng shabu at nasira ang 24,000 tanim na marijuana sa Cordillera.
“Bawat gramo ng droga na nakukuha ay buhay na naililigtas. Hindi lang kami nakikipaglaban para sa numero, kundi para sa kinabukasan ng bawat pamilyang Pilipino,” ayon kay PDEA Director General Isagani Nerez, na pinuri ang operatiba sa matagumpay na operasyon.
Samantala, iniulat ng NCRPO na mula Agosto 1 hanggang 15 ay nagsagawa sila ng 429 anti-drug operations na nagresulta sa pagkakaaresto ng 603 na suspek at pagkakakumpiska ng shabu, marijuana, at kush na tinatayang nagkakahalaga ng ₱18.4 milyon. Santi Celario