Home NATIONWIDE Hatol kay Enrile sa pork barrel scam case ilalabas sa Mayo

Hatol kay Enrile sa pork barrel scam case ilalabas sa Mayo

MANILA, Philippines – Matapos ang isang dekada ay ilalabas na ng Sandiganbayan ang hatol laban kay dating Senador at ngayo’y Chief Presidential Legal Counsel Juan Ponce Enrile kaugnay sa pork barrel scam.

Kinumpirma ni Sandiganbayan Presiding Justice Myrna Cabotaje Tang na itinakda na ng Sandiganbayan third division ang promulgation sa Mayo kaugnay sa kasong plunder ni Enrile.

Ayon kay Tang, natapos na ang pagdinig sa kaso noong Enero 2024.

Nauna nang isinampa sa Sandiganbayan ang ₱172.83 milyon na plunder case kaugnay sa kanyang Priority Development Assistance Fund (PDAF).

Si Enrile ay inakusahan na nagkamal ng kickbacks mula sa PDAF na inilaan sa mga pekeng non government organizations ni Janet Lim Napoles. Teresa Tavares

Previous articleNumber coding scheme sa Baguio tuloy sa Semana Santa
Next articlePAGASA sa publiko: Mag-ingat vs mapanganib na tag-init!