Home HOME BANNER STORY Heat index sa Dagupan City aabot sa 44°C

Heat index sa Dagupan City aabot sa 44°C

MANILA, Philippines – Posibleng umabot sa mapanganib na lebel ang heat index sa Dagupan City, Pangasinan ngayong Miyerkules, Marso 12.

Ayon sa PAGASA, posibleng pumalo sa 44 degrees Celsius ang heat index sa Dagupan City.

Ang heat index ay ang sukat ng temperatura na nararamdaman ng isang tao na iba sa aktwal na air temperature.

Ito ay ang pinagsamang alinsangan at ng temperatura ng hangin.

Maituturing na nasa mapanganib na kategorya ang heat index na nasa pagitan ng 42°C at 51°C na nagbabanta ng heat cramps, heat exhaustion, at heat stroke.

Samantala, ang NAIA sa Pasay City ay inaasahang magkakaroon ng heat index na 40°C, habang ang Science Garden, Quezon City, ay nasa 38°C. RNT/JGC