Home NATIONWIDE Higit 2.5M pasahero naitala sa NAIA noong Kapaskuhan

Higit 2.5M pasahero naitala sa NAIA noong Kapaskuhan

MANILA, Philippines- Ibinahagi ng Manila International Airport Authority (MIAA) na mahigit 2.5 milyong pasahero na ang dumaan sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) mula Disyembre 15-31, 2024, at higit pa ang inaasahan sa unang linggo ng 2025.

Batay sa datos ng MIAA, nasa 1.2 milyong domestic at international arrivals ang naitaka at higit sa 1.3 milyong pag-alis mula sa lahat ng mga terminal ng NAIA.

Iniulat din ng MIAA na nakapagtala din sila ng nasa 14,254 na flight para sa parehong panahon.

Sa hiwalay na datos, sinabi ng MIAA na mayroong 136,990 na pasahero sa NAIA noong Enero 1, 2025, karamihan ay mga dumarating na pasahero na nanggaling sa mahabang bakasyon sa mga probinsya o sa ibang bansa.

Sinabi ni MIAA General Manager Eric Ines na inaasahan nilang mas maraming darating na pasahero ngayong weekend dahil maaaring pinahaba ng ilan ang kanilang pahinga.

Dagdag pa ng MIAA, sa kabuuan ng 2024, mayroong 50.1 milyong pasahero ang hinahawakan ng NAIA o nasa 50,120,494. Mayroon din aniya na nasa 293,506 na flight para sa buong taon o humigit-kumulang 806 na flight bawat araw.

Sinabi ng New NAIA Infra Corp (NNIC) na ang 50.1 milyong dami ng pasahero ay isang record-high, kahit na higit pa sa pre-pandemic year ng 2019, at sinabi nitong nilalayon nitong pagbutihin pa ang paliparan ngayong bagong taon habang lumalaki ang pangangailangan sa paglalakbay sa buong mundo.  JR Reyes