Home NATIONWIDE Higit 2K ex-rebelde nag-aplay ng amestiya

Higit 2K ex-rebelde nag-aplay ng amestiya

MANILA, Philippines – Sinabi ng National Amnesty Commission (NAC) na aabot sa 2,438 na mga dating rebelde ang nag-aplay ng amnestiya sa NAC sa loob ng isang taon ng komisyon.

Sa Amnesty Proclamation Anniversary ng Amnesty Commission sinabi ni Atty. Leah Tanodra-Armamento, Chairman ng NAC (National Amnesty Commission) na sa kabuuang bilang 69 applications ang patuloy na nirerebyo para mabigyan ng amnesty.

Nabatid sa Komisyon na ang resulta ng pag aaral sa mga applicants ng amnesty ay takdang isubmit ng NAC sa Malakanyang para maaprubahan ng Pangulong Bongbong Marcos.

Ayon kay NAC Commissioner Jamar Kulayan , sa mga nagaplay ng amnesty mula sa grupong NPA, MILF, MNLF at RPA/ABB , ang NPA ang may pinaka maraming bilang na 1,457 na nag-aplay.

Ang mga applicants anya ay mula sa Mindanao, IloIlo, Luzon at NCR.

“Ang pagsusulong ng kapayapaan at pagkakaisa ng bansa ang pinaka mahalagang adhikain ng komisyon” ayon kay Atty. Tanodra-Armamento .

Nabatid kay Chair Armamento na umaasa silang sa pagsapit ng deadline ng programa hanggang March 2026 ay higit pang dadami ang bilang ng mga rebeldeng magbabalik loob sa pamahalaan.

“Umaasa kami na mas marami pang mga rebelde ang magbabalik loob sa panahalaan ” ayon pa kay Chair Armamento.

Aminado din si Armamento na hirap sila sa paglapit sa mga rebelde dahil sa kanilang seguridad laluna sa mga liblib na lugar.

Kaugnay nito tininiyak din ng NAC na mapapangalagaan ng pamahalan ang kapakanan ng mga mapapagkalooban ng amnesty sa ilalim ng Marcos administration. (Santi Celario)