Home NATIONWIDE Parak na nasapok ni Honeylet gagawaran ng medalya

Parak na nasapok ni Honeylet gagawaran ng medalya

Inanunsyo ng PNP-CIDG na tatanggap ng “Medalya ng Sugatang Magiting” at tatlong araw na leave ang pulis na sinaktan ni Honeylet Avanceña sa pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay CIDG chief Police Major General Nicolas Torre III, ang medalya ay ibinibigay sa mga pulis na nasugatan sa aksyon.

“Sa ngayon, bibigyan na lang namin ng Medalya ng Sugatang Magiting dahil may kasama ‘yung three days leave. Kaya ma-enjoy niya ‘yung leave na ‘yun dahil napukpok siya ni Honeylet sa ulo,” ani Torre.

Balak magsampa ng kasong direct assault ang nasabing pulis laban kay Avanceña, at titingnan ng PNP kung itutuloy niya ito.

Ayon sa PNP, pinalo umano ni Avanceña ang pulis gamit ang cellphone, na nagdulot ng bukol sa noo nito.

Kasalukuyang nakakulong si Duterte sa Scheveningen Prison sa The Hague habang hinihintay ang paglilitis sa kasong crimes against humanity. Santi Celario