MANILA, Philippines – Ibinunyag ni Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla na umabot na sa 348 ang naisagawang iligal, agresibo at mapanlinlang na mga aktibidad ng China sa West Philippine Sea mula Enero hanggang Nobyembre ng taong kasalukuyan.
Iniulat ni Remulla sa 2nd Joint National Peace and Order Council (NPOC) – Regional Peace and Order Councils (RPOCs) meeting for 2024 na nasa 336 Chinese vessels ang nakita araw-araw sa West Philippine Sea nitong October.
Sa naturang pulong, iginiit ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang pangangailangan na sumunod ang bansa sa mga hakbang na hindi magpapaigting ng tensyon sa West Philippine Sea.
Sinabi ng pangulo na hindi na kailangan magpadala ng Phil Navy sa West Philippine Sea kahit patuloy ang pagsalakay ng China sa pinagtatalunang lugar.
Hindi aniya nakikipag-giyera ang Pilipinas lung kaya hindi kailangan magpadala ng Navy warships sa lugar.
“All we are doing is resupplying our fishermen, protecting our territorial rights,” nilinaw ng Pangulo.
Binigyan-diin ng Pamgulo na hindi magiging sanhi ang Pilipinas para tumindi ang tensyon sa West Philippine Sea. RNT