Home METRO Higit 50 computer nasabat ng NBI sa sinalakay na POGO hub

Higit 50 computer nasabat ng NBI sa sinalakay na POGO hub

MANILA, Philippines- Sinalakay ng National Bureau of Investigation -Davao (NBI-11) ang umano’y Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) hub sa Panabo City, Davao del Norte at nasamsam ang mahigit 50 computers at iba pang mga ebidensya noong Disyembre 13.

Isinilbi ng NBI-11 ang search warrant laban sa mga umano’y manggagawa ng POGO dahil sa syndicated estafa at online illegal gambling kaugnay ng Cybercrime Prevention Act of 2012.

Naaresto ang  59 umano’y manggagawa ng POGO, kabilang ang 55 Chinese, tatlong Malaysian, at isang Pilipino sa operasyon noong Disyembre 6.

“We will go to the area where the computers are being setup,” sabi ni NBI-11 Spokesperson, Ely Leano.

Ang mga computer na nakumpiska ay nakalagay sa dalawang silid ng dalawang ektaryang bodega.

Ayon kay Leano, nakatakdang suriin ng NBI Digital Forensic upang malaman ang nilalaman ng mga computer kung nakikibahagi ang mga Chinese national sa aktibidad ng POGO.

May sariling kusina at kainan sa loob ng bodega ang mga umano’y manggagawa ng POGO. 

Nakita rin ang ginagawang pagpapalawak ng POGO hub dahil sa nagkalat na materyales sa isang hindi pa tapos na silid.

Samantala, ipinatawag ng NBI-11 ang mga umano’y sangkot sa operasyon ng POGO, kabilang ang ilang opisyal ng gobyerno na hindi natukoy ng mga awtoridad, habang isinusulat ang balitang ito.

“We have already sent subpoenas… here, in this place next week, they will be appearing in the NBI Regional Office,” ani Leano. Jocelyn Tabangcura-Domenden