Home NATIONWIDE Higit P11.5B droga nasabat mula Enero gang Agosto – PNP

Higit P11.5B droga nasabat mula Enero gang Agosto – PNP

4
0

MANILA, Philippines – Umabot sa 50,766 katao ang naaresto ng Philippine National Police (PNP) sa mga operasyon kontra ilegal na droga mula Enero hanggang Agosto 2026.

Ayon sa PNP, nagsagawa ito ng 43,383 anti-drug operations at nakumpiska ang tinatayang P11.51 bilyong halaga ng ilegal na droga sa buong bansa.

Noong Agosto lamang, 6,044 katao ang naaresto at tinatayang P599.89 milyon halaga ng ilegal na droga ang nasamsam.

Kabilang sa mga nakumpiska ang humigit-kumulang 1.36 milyong gramo ng hinihinalang shabu, mahigit 3.61 milyong gramo ng tuyong marijuana leaves, at higit 8.9 milyong halamang marijuana.

Ayon kay PNP chief Gen. Jose Melencio Nartatez Jr., ipinapakita ng resulta ang kahalagahan ng tuloy-tuloy na presensya ng pulisya at koordinadong operasyon.

“We will not let up in addressing the illegal drug problem, but our approach will remain clear: effective enforcement, proper procedure, and accountability,” ani Nartatez.

“It is our duty to protect the public, and we will do this with discipline and respect to the law,” dagdag niya.

Samantala, inatasan ni Las Piñas Rep. Mark Anthony Santos ang PNP at iba pang ahensiyang sangkot sa kampanya kontra droga na regular na mag-ulat sa Kamara upang masubaybayan ng Kongreso ang anti-drug campaign ng pamahalaan.

Kabilang sa mga ahensiya ang Philippine Drug Enforcement Agency, Department of Health, DILG, Department of Justice at Bureau of Customs. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here