Home OPINION HINDI LANG SA IMPEACHMENT KAILANGAN TWO-THIRDS VOTE

HINDI LANG SA IMPEACHMENT KAILANGAN TWO-THIRDS VOTE

1
0

HINDI lamang sa impeachment kinakailangan ang botong two-thirds of all the members of the Senate. Ito rin ang botong kailangan sa concurrence ng Senado sa isang treaty o international agreement.

Ayon sa Article VII, Section 21 ng Saligang Batas:

“No treaty or international agreement shall be valid and effective unless concurred in by at least two-thirds of all the Members of the Senate.”

Magbe-“bend the law “ rin ba ang Senado kapag isang mahalagang treaty ang kanilang pagbobotohan?

Paano kung hindi paglilitis ni Vice President Sara Duterte ang pinag-uusapan? Ganoon pa rin kaya ang paninindigan ng mga ayaw sa 16 votes?

Paano kung ang pagbobotohan ay kung papayag o hindi ang Senado sa isang treaty o international agreement?

At paano kung si Pangulong Bongbong Marcos naman ang ini-impeach? Ganoon pa rin kaya ang argumento ng mga anti-VP Sara na hindi 16 ang kailangang boto para sa conviction dahil wala naman daw tahasang nakasulat sa Saligang Batas na “16 votes”?

Huwag muna nating isipin na si VP Sara ang nililitis. Himayin nating muli ang batas.

Malinaw ang sinasabi ng Article XI, Section 3(6):

“No person shall be convicted without the concurrence of two-thirds of all the Members of the Senate.”

Hindi raw 24 senators ang tinutukoy sa “all”?

Balikan natin ang Article VI, Section 2:

“The Senate shall be composed of twenty-four Senators…” Kung ganoon, ilan ang senators? 24. At kung two-thirds ng 24, ang sagot ay 16.

Ngunit may mga senador na hindi nakadalo o hindi makadalo sa paglilitis—si Jinggoy, si Marcoleta, missing in action si Bato, at nasa ibang bansa si Loren. May mga minority senators din na sinasabing maaaring kasuhan.

Dito pumapasok ang malaking isyu: dapat ba silang ibawas sa “all members”? Bakit? Senador pa rin ba sila o hindi?

Noong nakakulong si Mam Leila at Sir Trillanes, at nagtago si Sir Ping, senador pa rin ba sila? Kung nagkaroon noon ng impeachment, hindi ba nila maaaring igiit ang kanilang constitutional duty bilang senador?

Paano kung may treaty o international agreement na kailangang pagbotohan? Ipauubaya na lamang ba natin iyon sa mas kaunti sa 16 na miyembro, kabilang ang mga “bend-a-law” senators?

Unfair naman iyon. Paano sila boboto kung hindi sila uma-attend sa trial? Iyan ang tanong ng “Bend the Law.”

Balikan natin ang salitang ALL MEMBERS. May nakalagay ba na two-thirds of all members who took part in the trial?

Kung may qualification kung sino-sino lamang ang dapat bumoto sa impeachment, tulad ng sinabi ng isang dating Chief Justice, dapat nakasaad iyon mismo sa Constitution, gaya ng ibang constitutional provisions na tahasang nagsasaad kung anong boto ang kinakailangan.

Halimbawa, sa Article VIII, Section 11, malinaw na nakasaad ang “majority of all members who actually took part in the deliberations on the issues in the case and voted thereon.”

Kung actual participation ang kailangan, dapat nakasaad iyon sa Saligang Batas.

Maaari bang baguhin ng Senado lamang ang Saligang Batas?

Article XVII, Section 1 says amendments or revisions may be proposed by Congress upon a vote of three-fourths of all its members, or by a constitutional convention. Sagot: Hindi.

Pero ang argumento nila: ini-interpret lamang nila ang batas.

Tagagawa sila ng batas, pero ang HUKUMAN lamang ang may kapangyarihang magbigay ng pinal na interpretasyon sa Saligang Batas.

Diyan dapat maging malinaw: hindi maaaring ang interpretasyon ay maging kapalit ng mismong nakasulat sa Saligang Batas.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here