
PARTIKULAR na binigyang-diin ni sinibak na House Committee Appropriations Chairman Zaldy Co ang Ayuda sa Kapos Ang Kita Program na P26 bilyon.
Tanggal siya sa pwesto makaraang aprubahan ng mga kongresman ang panukala ni Ilocos Norte Congressman Sandro Marcos na ideklarang bakante ang nasabing posisyon, bagama’t inirason ni Co na nagbitiw siya sa pwesto dahil sa problema sa kalusugan. Herk-hek-hek!
Pero pinalabas nitong kanyang legasiya ang AKAP para sa tao at walang halong korapsyon umano.
Hindi naman bineto ni Pangulong Bongbong ang AKAP at para hindi mababoy umano, kailangang dumaan ito sa Departments of Budget and Management, Social Welfare and Development at Labor and Employment at National Economic Development Authority.
Noong 2023 Bicameral Conference Committee meeting para sa 2024 pambansang badyet, milagrong lumitaw ang AKAP sa halagang P13B at inaprubahan, ayon kay Manang Imee Marcos.
Nakinabang ang 5 milyong mamamayan dito, ayon kay Co.
Nitong 2024 panukalang badyet para sa 2025, sinibak ni Manang Imee ang P26B AKAP dahil gagamitin lang umano ito na pamingwit ng boto sa halalang Mayo 12, 2025 pero inaprubahan ito sa Bicam meeting nang hindi namalayan ni Manang Imee.
Heto ngayon ang drama.
Kinukwestiyon ng mga senador noon ang AKAP para sa 2025 ngunit nanahimik ang karamihan ng mga ito nang bahaginan sila ng P5B at P21B ang para sa mga kongresman.
Nang kwentahin ng mga kritiko, gaya ni UP professor Antonio Contreras, ang hatian, aba, lumabas na tig-P83M ang mga kongresman at tig-P203M ang mga senador.
Sa pagkakaroon ng ‘share’ ang mga senador, lumalabas ding may kontrol ang mga ito sa pamimigay ng ayuda, lalo na ang mga reeleksyonista.
Ngayon, kung may 5M nakinabang noon sa unang AKAP na P13B, makikinabang din ba ang 10M sa P26B?
Iboboto ba ng mga benepisyaryo ang mga mamimigay ng P26B AKAP at talaga bang walang korapsyon dito na tinawag ni dating Supre