Home METRO Holdaper nakipaghabulan sa mga parak, binaril sa binti

Holdaper nakipaghabulan sa mga parak, binaril sa binti

MANILA, Philippines – NAGLAKAS-loob ang isang jeepney driver nang bigla itong tumalon sa sasakyan at agad na nakahingi ng saklolo sa mga operatiba ng Manila Police District – Sta. Mesa Police Station 8, makaraang tangkaing holdapin ng isang suspek ang apat na pasahero sa harap ng isang department store sa Ramon Magsaysay Boulevard, Barangay 634, sa Sta. Mesa.

Nasa likuran ng driver ang suspek nang tutukan ito ng patalim sabay sabing “holdap ito, sige diretso mo lang.”

Hindi nasiraan ng loob ang tsuper at bigla itong tumalon sa jeep saka humingi ng tulong sa kapulisan.

Pinalibutan ng mga pulis ang sasakyan at pilit na pinapasuko ang lalaki.

Tinangka naman nitong tumakas at nakipaghabulan pa ang suspek habang may dalang patalim sa mga parak dahilan para barilin ito sa binti. Rene Crisostomo

Previous articleLolo ibinalibag mula 2nd Floor, dedbol!
Next articleBebot tigok sa suwag ng pick-up truck