Home HOME BANNER STORY Holiday exodus sa PITX nagsimula na

Holiday exodus sa PITX nagsimula na

258
0

MANILA, Philippines – Nagsimula na ang taunang pagbuhos ng mga pasahero sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) ngayong holiday season.

Sa ulat, mahigit 140,000 pasahero na ang nagtungo sa PITX hanggang alas-5 ng hapon nitong Sabado, Disyembre 20.

Ayon sa pamunuan ng PITX, inaasahang tataas pa sa mga susunod na araw ang passenger volume at pinaghahandaan ng terminal ang pagdagsa ng nasa tatlong milyong biyahero mula Disyembre 19 hanggang Enero 3.

Nitong Biyernes lamang ay nakapagtala ang PITX ng mahigit 186,000 pasahero na hudyat ng simula ng peak ng mga pagbiyahe ngayong holiday season.

“Abalang-abala pa rin tayo sa pag-aasikaso sa ating mga pasahero upang masiguro na magiging ligtas, maayos, at komportable ang kanilang paglalakbay ngayong Pasko,” sinabi ni PITX Corporate Affairs and Government Relations head Jason Salvador sa panayam ng GMA News.

Ani Salvador, mayroong mahigpit na seguridad at safety measures ang PITX para sa pagdagsa ng mga biyahero.

“Bukod sa 24-hour PNP contingent dito, bina-beef up din natin ang sarili nating security. Nagtalaga rin tayo ng non-uniform personnel para magbantay ng mga kahina-hinalang kilos sa loob ng PITX,” dagdag pa niya. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here