Home NATIONWIDE House amendments sa rice tariff law aprubado sa ikatlong pagbasa

House amendments sa rice tariff law aprubado sa ikatlong pagbasa

MANILA, Philippines – Inaprubahan na ng Kamara ang panukalang pag-amyenda sa Republic Act No. 11203 o Rice Tariffication Law (RTL) para ibalik ang ilan sa mga tungkulin ng National Food Authority (NFA).

Ang House Bill (HB) No. 10381 ay inaprubahan sa plenary session nitong Martes, Mayo 21 kung saan 231 na mga mambabatas ang bumoto sa affirmative, tatlo sa negative at isa ang nag-abstain.

Kung maisasabatas, ang NFA ay magkakaroon ng “authority to oversee and ensure compliance with all pertinent standards and regulations, leveraging its established expertise and nationwide network to uphold the national interest, in rice buffer stocking and food security,” sa paglalagay ng bagong Section 5 sa R.A. No. 8178.

Ang R.A. 8178 ay Agricultural Tariffication Act, na inamyendahan ng RTL noong 2019.

Dagdag pa, ang Agriculture secretary ay maaari nang magdeklara, batay sa rekomendasyon ng National Price Coordinating Council (NPCC) o Local Price Coordinating Council (LPCC), ng food security emergency sa mga sumusunod na rason:

Shortage in the supply of rice
Sustained increase in the price of rice
Extraordinary increase in the price of rice

Kasabay ng isang food security emergency, ang NFA ay maaaring manghimasok at magbenta ng bigas direkta sa pagbili mula sa mga magsasaka.

Ang panukala ay inaprubahan sa ikalawang pagbasa noong Mayo 14, ngunit ibinalik sa plenaryo isang araw makalipas nito para sa iba pang amendments.

Ito ay inaprubahang muli sa ikalawang pagbasa pagsapit ng Mayo 15.

Naniniwala si Speaker Ferdinand Martin Romualdez na ang pag-amyenda rito ay magpapababa sa presyo ng bigas ng P10 hanggang P15 kada kilo.

Sa kabila nito, tutol ang Senado sa pag-amyenda rito dahil posibleng magdulot na naman ito ng korapsyon. RNT/JGC