Home METRO HVI timbog sa baril, droga

HVI timbog sa baril, droga

LA UNION-Swak sa kulungan ang isang 42-anyos na lalaki matapos na masamsaman ng hinihinalang shabu at baril sa bayan ng Bacnotan ng lalawigang ito kahapon ng umaga.

Ang suspek na residente ng Brgy. Poblacion ng naturang bayan ay itinuturing bilang high-value individual (HVI).

Sa inilabas na Press Release ni PLt. Col. Benigno C. Sumawang, Chief ng RPIO, naaresto ang suspek matapos ang matagumpay na implementasyon ng La Union Drug Enforcement Unit at Bacnotan Municipal Police Station sa dalawang search warrant na inilabas ng korte laban sa suspek.

Sa naturang operasyon, nakakumpiska ang mga otoridad ng humigit-kumulang sa 70 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P476,000.00, isang cal. 38 revolver, tatlong bala ng cal. 38 revolver, tatlong bala ng cal. 45, at mga drug paraphernalia.

Kasong paglabag sa Republic Act 9165 at Republic Act 10591 ang kahaharapin ng suspek na nasa kustodya ngayon ng La Union Drug Enforcement Unit.

Pinuri ni PRO 1 Regional Director ang PBGen. Lou F. Evangelista ang mga personnel ng La Union Drug Enforcement Unit at Bacnotan Municipal Police Station dahil sa matagumpay nilang operasyong ito.

“Patuloy ang kapulisan sa pagpapaigting ng ating kampanya kontra iligal na droga. Ako ay umaasa sa patuloy na suporta ng komunidad sa pagsugpo ng krimen sa ating rehiyon,” wika pa ni Evangelista. Rolando S. Gamoso