Home NATIONWIDE Imbestigasyon sa tangkang cyber attack sa website ng Kamara gumugulong pa –...

Imbestigasyon sa tangkang cyber attack sa website ng Kamara gumugulong pa – DICT

MANILA, Philippines- Nagpapatuloy pa rin ang imbestigasyon sa kamakailan lamang na cyber attack sa website ng Kongreso.

Sinabi ni Department of Information and Communications Technology (DICT) Undersecretary Jeffrey Dy, base sa preliminary findings, tinangka ng mga salarin na atakihin ang website ng Kamara gamit ang “Botnet” relay.

“We are still investigating this because we noticed that the attack is being relayed using what is called a Botnet relay coming from different countries,” ayon kay Dy.

Paliwanag pa ni Dy, ang Botnet ay isang computer na pagmamay-ari ng isang ordinaryong indibidwal o ng isang ordinaryong modem na infected ng virus o malware kung saan hindi alam ng users na ginagamit ito sa paglulunsad ng cyber attacks sa ibang bansa.

“So, it means we haven’t pinpointed the true source of the attack yet,” giit niya.

Sa ulat, magugunitang noong Miyerkules, Marso 13, kinumpirma ng HOR ang cyber attack sa kanilang website kung saan mayroong naitalang 541.66 million Distributed Denial-of-Service (DDoS) attacks.

Nilalayon ng naturang klase ng cyberattack na maantala ang normal functioning ng isang website o network sa pamamagitan ng pag-overwhelm dito ng traffic o requests.

Sinabi naman ni Dy na nangyayari na ang naturang pag-atake sa website ng HOR noon pang Disyembre ng nakalipas na taon subalit matagumpay namang napigilan ito ng ahensya. Kris Jose

Previous articleArrest warrant vs Quiboloy ihihirit ni Hontiveros kay Zubiri
Next articleMga kababaihan humataw sa Zumba Dance Competition 2024