Home METRO Indiano tinodas habang naniningil ng pautang

Indiano tinodas habang naniningil ng pautang

232
0

MAGUINDANAO DEL NORTE – Patay ang isang Indian national na nagpapautang matapos pagbabarilin ng tatlong hindi pa kilalang suspek habang ang una ay naniningil, iniulat kahapon sa Sultan Kudarat.

Dead-on-the-spot ang biktima na kinilalang si Jagmeet Singh, binata, Indian sales collector at residente ng Rosary Heights 10, Cotabato City.

Batay sa report ng Sultan Kudarat Municipal Police Station (SKMPS), bandang 3:25 PM naganap ang krimen sa Sitio Datu Faisal, Barangay Limbo, ng naturang bayan.

Lumabas sa imbestigasyon ng pulisya na nangongolekta ang biktima ng kanyang pautang nang bigla na lamang itong tambangan ng mga suspek.

Dito, walang babalang pinagbabaril ang biktima sa iba’t ibang parte ng katawan, na naging sanhi ng agaran nitong kamatayan.

Matapos ang krimen, mabilis na tumakas ang mga suspek sa hindi malamang direksyon.

Nagpapatuloy naman ang ginagawang follow-up investigation ng mga pulis para malaman ang tunay na motibo sa krimen at pagkakakilanlan ng mga suspek para sa agaran pagdakip. Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here