Home OPINION INTERNATIONAL RESPONSIBLE GAMBLING CONFERENCE,  ISINAGAWA SA QC

INTERNATIONAL RESPONSIBLE GAMBLING CONFERENCE,  ISINAGAWA SA QC

Pinangunahan ng lungsod ng Quezon katuwang ang Seagulls Flock Organization Inc. (SFO) ang kauna-unahang International Responsible Gambling at Gaming Addiction Confe­rence noong Mayo 20-22, 2024 bilang bahagi ng pagsisikap na maitaguyod ang responsible gambling at gaming practices.

Bukod sa responsible gambling, idinetalye rin sa pagpupulong ang mga nakaambang panganib na nakaugnay sa pagsusugal at adiksyon sa paglalaro at kung paano ito maiiwasan.

Napag-usapan ang matitinding pagsubok na kinahaharap  ng gambling at gaming industry at kung paano ito masosolus­yunan gamit ang innovative, multi-sectoral, at multi-disciplinary, treat­ment, research at recovery.

Nabigyan ng pagkakataon ang iba’t ibang organisasyon na makapagbigay ng kuro-kuro at kaalaman at makabuo ng mas matibay na ugnayan. Malaki rin ang naging papel ng International Gambling Counselor Certification Board (IGCCB), Phi­lippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR), mga opisyal ng pamahalaan at gambling/gaming operators sa pagtalakay sa paksa.

Si Dr. Marc Potenza, Professor of Psychiatry, Director of the Divisions on Addictions Research, Yale School of Medicine ang nagsilbing keynote speaker, habang si PAGCOR Chairman at CEO Alejandro Tengco naman ang nagbigay ng message of          support.

Nakiisa rin sa pagpupulong ang mga kilalang eksperto mula sa iba’t ibang sektor, katulad nina Teresita Castillo, Chairperson, Seagulls Flock Organization; Jody Bechtold, Chief Executive Officer, Better Institute (USA); Dr. Stephanie Diez-Morel, Vice President, International Gambling Counselor Certification Board (USA); Dr. Alyssa Wilson, Board-certified Beha­vior ­Analyst (USA); Tracy Parker, Responsible Gambling Council (Canada); Simon Vinzce ng Casino Guru (Slovakia); Dr. Lourdes Ignacio, Professor Emeritus, Psychiatry, UP College of Me­dicine; at Dr. Gina Hechanova-Alampay, Professor, Psycho­logy Department, Ateneo de Manila University. Kabilang sa sponsors ang OKADA, Newport Resorts World, HANN Resort, at D’Heights Casino and Resort.

Kilala naman ang Solaire sa mataas na standard ng ope­rasyon nito at sumusunod sa mga patakaran ng kanilang host LGU. Kaya tiyak na ang mga agam-agam ni Mayor Belmonte ay kayang mapangatawanan ng Solaire QC management.

Good luck sa Solaire QC Resort at salamat sa isang Mayor Belmonte na may pagkalinga sa kanyang mga mamamayan.