Home NATIONWIDE Iran inatake ng Israel sa gitna ng nuclear tension

Iran inatake ng Israel sa gitna ng nuclear tension

311
0

TEHRAN – Kinumpirma ng Israel ngayong Hunyo 13, 2025 na isinagawa nito ang mga airstrike laban sa Iran, na tinamaan umano ang mga pasilidad ng militar at nuclear.

Iniulat ng Iranian media ang mga pagsabog sa Tehran, habang itinaas ng nasabing bansa ang alerto sa kanilang air defense.

Nagdeklara ang Israel ng state of emergency dahil sa inaasahang ganti ng Iran sa anyo ng mga missile at drone strike.

Ayon sa Israeli Defense Minister, may sapat nang materyales ang Iran para makagawa ng 15 nuclear bombs sa loob lamang ng ilang araw.

“Following the preemptive strike by the State of Israel against Iran, a missile and UAV (drone) attack against the State of Israel and its civilian population is expected in the immediate timeframe,” ani Defence Minister Israel Katz sa isang pahayag.

Tumanggi ang Estados Unidos sa anumang partisipasyon, ngunit kinumpirma na may intelligence ito tungkol sa mga paghahanda ng Israel para sa strike.

Samantala, nakatakda sana ang ikaanim na round ng nuclear talks sa Oman ngayong Linggo, ngunit mukhang patay na ang negosasyon.

Tumaas ng mahigit $3 kada bariles ang presyo ng langis dahil sa kaganapan. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here