California, USA – Pinag-uusapan sa isang umpukan ng mga taga-showbiz ang matagal nang walang balita sa karera ni Jake Zyrus, huh!
Kaya nagtatanong ang mga fans niya kung ano na ang latest sa singing career ni Jake.
Sabi nga ng ilang fans, miss na miss na nilang mapanood on stage ang international singer.
Ayon naman sa veteran showbiz columnist at host na si Nanay Cristy Fermin, may nagparating sa kanya ng kuwento tungkol sa kalagayan ni Jake habang nasa Amerika.
May katotohanan kaya ang isyung kumakalat tungkol sa buhay at career ngayon ng singer-songwriter na si Jake?
Balita raw kasi na dumaraan daw ngayon sa isang matinding pagsubok si Jake. Kaya nga raw mukhang may depresyon daw ngayon si Jake, huh!
Unang nakilala si Jake bilang si Charice Pempengco sa music industry here and abroad, huh!
Kung anuman ang matinding pinagdaraanan ngayon ng isang Jake Zyrus, well, malalaman din naman natin ‘yun.
Pero sa ngayon, ipagdasal na lang nating malampasan ni Jake ang problema niyang dala dala ngayon, huh! Jimi Escala