Home METRO SK Chairman tigok sa salpok sa nakaparadang sasakyan

SK Chairman tigok sa salpok sa nakaparadang sasakyan

CITY OF ILAGAN Isabela – Agad na binawian ng buhay ang Sangguniang Kabataan (SK) Chairman ng Barangay Centro San Antonio sa Lungsod ng Ilagan matapos masangkot sa aksidente kaninang alas-2:40 ng madaling araw sa kahabaan ng Brgy. Malalam, City of Ilagan, Isabela.

Sa imbestigasyon, napag-alaman na bago ang insidente ay minamaneho ni Aerome Jose Cabalongga, 20-anyos ang kaniyang Honda ADV sa national road ng Barangay Malalam patungo sa Barangay San Antonio.

Pagkarating naman sa lugar ng insidente, nawalan ito ng kontrol sa kaniyang motorsiklo at sumalpok sa sasakyang nakaparada sa gilid ng kalsada.

Dahil sa lakas ng impak ay nagtamo ang biktima ng matinding injury na kaagad namang isinugod ng Rescue 1124 sa pagamutan subalit sa kasamaang palad ay idineklara rin siyang dead-on-arrival ng kaniyang attending physician. Rey Velasco