Home ENTERTAINMENT Jeric, nambisto; AJ at Aljur, 2 na ang anak!

Jeric, nambisto; AJ at Aljur, 2 na ang anak!

293
0

Manila, Philippines- Isang lalaki. Isang babae.

Ito na pala ang produkto ng pagmamahalan nina AJ Raval at Aljur Abrenica.

Mismong si Jeric Raval na ama ni AJ ang nagbisto sa press nang magkaroon ng victory party ang pelikula kung saan nagwaging Best Supporting Actor ang action star sa katatapos na 73rd Famas awards night.

Ani Jeric, one year and two months old ang panganay na lalaki samantalang nine months old ang sumunod na babae.

Dagdag pa ng aktor, mas pinili raw ni AJ ang pribadong buhay kesa magbalik sa pag-aartista–bagay na nirerespeto niya.

Aniya, nagdulot daw ng trauma sa dating sexy star ang mga kinapaloobang intriga noong aktibo pa ito sa paggawa ng mga mapangahas na pelikula.

Kung tutuusin, noon pa naiisyung may anak na sina AJ at Aljur.

Ito ‘yung makaraang mabalitang si AJ ang dahilan ng paghihiwalay nina Aljur at Kylie Padilla.

Dalawa ang mga anak nina Kylie at Aljur, sina Alas at Axl.

Samantala, Al naman ang tawag ni Jeric sa panganay nina AJ at Aljur dahil kamukha raw niya ito. Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here