Home METRO P74.8-K ‘bato’ nasabat sa Matnog Port

P74.8-K ‘bato’ nasabat sa Matnog Port

246
0

SORSOGON, Philippines – Nasabat ng Philippine Coast Guard (PCG) sa koordinasyon ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at iba pang law enforcement ang 11 kilo ng hinihinalang illegal na droga at paraphernalia na nagkakahalaga ng P74,800.00 sa joint operation sa Philippine Ports Authority (PPA) Matnog Port, Barangay Caloocan, Matnog, Sorsogon noong Sabado, August 23, 2025.

Kinilala ng mga awtoridad ang suspek na isang 19 anyos na lalaki mula Pualas, Lanao del Sur at 34 anyos na lalaki mula San Miguel, Manila.

Ang dalawa ay naaresto dahil sa paglabag sa Republic Act 9165, o kilala bilang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Ayon sa ulat, ipinaalam ng mga tauhan ng PDEA sa Matnog sa Coast Guard Sub-Station (CGSS) Matnog ang umano’y sasakyan na nagdadala ng ilegal na droga sa pantalan.

Isang Coast Guard K9 team ang agad na idineploy para sa paneling inspection, tinulungan ng CGIG Bicol, ng CG Intelligence Unit Matnog, at ng CGK9 team.

Sa panahon ng operasyon, positibong nagpahiwatig ang Coast Guard narcotic detection dogs “Semion” at “Laica” ng pagkakaroon ng mga ilegal na substance sa loob ng puting Toyota Hilux na may plate number NGR 9539.

Ayon sa Coast Guard District Bicol (CGDBCL), binigyang-diin ng operasyon ang kritikal na kahalagahan ng inter-agency collaboration sa pagtugon sa drug trafficking sa pamamagitan ng maritime route.

Pinatitibay din nito ang mandato ng PCG na pangalagaan ang mga komunidad sa baybayin at i-secure ang mga hangganang pandagat ng bansa sa Rehiyon ng Bicol at higit pa. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here