Home ENTERTAINMENT Joey, ibinuking na maraming kahulugan ang E.A.T.!

Joey, ibinuking na maraming kahulugan ang E.A.T.!

Manila, Philippines – Nagsimula na ngang umere ang show ng buong Dabarkads sa bago nitong tahanan nitong July 1, Sabado sa TV5.

Tulad ng alam ng marami, nasa korte pa ang usapin kung pahihintulutang gamitin ng TVJ ang pamagat na Eat Bulaga.

Ang claim ng comic trio lalo na si Joey de Leon ay siya ang nakaimbento ng pamagat ng 44 anyos na noontime show sa bansa.

Kaso, hindi nila nabitbit ang program title which is now being used by the revamped program.

Kinonsulta na ng TVJ ang Divina Law.

Hinihintay na lang ang court decision if the TVJ show can use the title.

In the meantime, E.A.T. muna ang pamagat nito.

Akma rin naman kasing gamitin ang E.A.T. to prove its authenticity batay sa kahulugan ng acronym: Eto Ang Totoo.

This makes the cast of E.A.T. legit Dabarkads.

Pabiro ngang sabi ni Joey, sa kanilang programa lang magkakaroon ng iba’t ibang pamagat araw-araw.

Pero kung permanente na nilang gagamitin ang E.A.T. ay marami ang puwedeng ipakahulugan nito without losing its very essence.

Aside from Eto Ang Totoo, the acronym can also mean Eto Ang Trio referring to TVJ who started it all.

Puwede ring Eto Ang Tropa referring to the entire Dabarkads team.

Whatever, next to watch out for is E.A.T.’s 44th anniversary episode on July 29 which also falls on a Saturday. Ronnie Carrasco III