Home NATIONWIDE 8 Chinese aircraft tumawid sa Taiwan Strait median line

8 Chinese aircraft tumawid sa Taiwan Strait median line

TAIWAN – Walong Chinese aircraft na naman ang tumawid sa median line ng Taiwan Strait nitong Martes ng umaga, Hulyo 4, sinabi ng
defense ministry ng Taiwan.

Nasa kabuuang 24 na Chinese warplanes kabilang ang mga fighter jet at bomber ang namataan sa Taiwan bandang alas-8 ng umaga, sabay-sabing apat na Chinese warship pa ang lumahok sa “joint combat readiness patrol”.

Nagpadala naman ang Taiwan ng mga eroplano at barko upang balaan ang Chinese aircraft, habang patuloy na minomonitor ng missile systems.

Sa pahayag, sinabi ng defense ministry na responsibilidad ng lahat ng partido na panatilihin ang kaligtasan at stability sa rehiyon.

“Any provocative behavior that could bring impacts is not good for regional safety.” RNT/JGC