Home ENTERTAINMENT Juday, tinuruang mag-commute si Yohan, nag-jeep!

Juday, tinuruang mag-commute si Yohan, nag-jeep!

Manila, Philippines – No training is better than one which is administered by parents.

Ito ang paniniwala ni Judy Ann Santos na tinuruang mag-commute ang panganay nilang anak ni Ryan Agoncillo na si Yohan papasok ng eskuwela.

On her Instagram Stories, Judy Ann documented their trip via public transport.

Wearing a mask and sunglasses, jeep ang unang sinakyan ng mag-ina.

Nilakipan ito ng aktres ng caption na: “Jeepney ride for our kolehiyala!”

Ang sumunod namang video showed Judy Ann and Yohan proceeding to a bus stop.

Katwiran ng aktres, mainam na raw na alam ni Yohan ang iba’t ibang masasakyan at ruta ng mga nasabing public transport papasok ng paaralan hanggang pag-uwi sa kanilang bahay.

Matatandaang Yohan turned 18 November last year.

Inire-ready na rin niya ang kanyang sarili for college life although walang binanggit kung saang university siya papasok at kung anong kurso ang kukunin.

Marami namang netizens ang pinahanga ni Judy Ann sa ginawang training sa anak as most parents hardly teach their kids how to commute.

Sinadya ni Judy Ann na libre siya sa araw na ‘yun solely for the said purpose.

Sinundan ‘yon ng jujitsu training naman ni Yohan that same day.

Wala namang naiulat kung may mga pedestrian na nakakilala kay Judy Ann.

Kumbaga, she went around incognito with her mask and sunglasses. Ronnie Carrasco III