VATICAN – Sinimulan nang inilipat ang kabaong ni Pope Francis sa St. Peter’s Basilica nitong Miyerkules, Abril 23 para sa tatlong araw na burol kung saan libu-libo ang nagtipon-tipon upang magbigay galang sa lider ng Katoliko sa mundo bago siya ilibing.
Si Francis ay pumanaw noong Lunes sa kanyang tirahan sa Casa Santa Marta.
Inalis ang kanyang labi mula sa chapel sa Casa Santa Marta patungong St. Peters Basilica umaga ng Miyerkules.
Sumabay sa prusisyon ang mga red-robed cardinals.
Ipinasok ang ataul ni Francis na gawa sa kahoy sa pamamagitan ng gitnang pintuan ng Basilica bago ilagay sa Altar of the Confession.
Sa Sabado kung saan araw ng paghihimlay sa Santo Papa, inaasahang libu-libong pilgrims kabilang si US President Donald Trump, Ukraine Volodymyr Zelensky gayundin si Britain Prince William.
Pagkatapos, ang kabaong ni Francis ay dadalhin sa kanyang paboritong simbahan, ang papal basilica ng Santa Maria Maggiore ng Roma kung saan ito ililibing sa lupa at mamarkahan ng isang simleng inskripsyon:Franciscus.
Siya ang magiging unang papa sa mahigit 100 taon na inihimlay sa labas ng Vatican. Jocelyn Tabangcura-Domenden