Manila, Philippines- Tila magkakaroon ng katuparan ang pangarap ng mag-asawang Ellen Adarna at Derek Ramsay na mabiyayaan sila ng “dragon baby.”
Kalat na kalat na kasi ang balitang sa darating na October nakatakdang isilang ni Ellen ang kanilang anak ng Fil-British actor.
Baby girl daw ang inaasahang magiging supling nila.
Kung totoo man ito, hindi ito consistent sa naging pahayag ni Derek sa vlog interview sa kanya ni Morly Alinio kamakailan.
Itinanggi kasi ni Derek na buntis ang kanyang misis.
“Hindi pa, hindi pa…but we’re trying,” maikling tugon ng aktor nang usisain tungkol sa pagbubuntis ni Ellen.
Bagama’t dapat pa nga itong ikatuwa ng mag-asawa, hindi naman nauunawaan ng mga netizens kung bakit kailangang idenay nila ito.
Nabanggit din kasi sa nasabing vlog interview na panay ang punta ng ina ni Derek sa Manaoag Church sa Pangasinan who has been praying for the couple’s baby.
Sa isang banda, may ilan din ang nakakaintindi sa pagtanggi ni Derek.
Kung matatandaan, sinita ni Ellen mismo ang asawa nang sabihin nito sa press na “dinugo” ang kanyang misis while on vacation in another country.
Hindi umano nagustuhan ni Ellen na pinangunahan siya ni Derek, and swore she would keep her pregnancy private.
Ellen’s giving birth this Year of the Dragon is actually the couple’s dream.
Ayon kasi mismo kay Ellen, may hatid na suwerte raw kung tatlo sa isang tahanan ay ipinanganak sa naturang taon sa Chinese astrology.
Both Ellen and Derek were born in the Year of the Dragon, at ang baby girl ngang isisilang ng Cebuana actress. Ronnie Carrasco III