Home OPINION KALIKASANG MASUNGIT MATITIIS, GAWA NG MGA KORAP HINDI

KALIKASANG MASUNGIT MATITIIS, GAWA NG MGA KORAP HINDI

1
0

GRABE ang nagaganap ngayon kahit saan sa Pilipinas.

Baha at landslide napakalaganap.

Sa Metro Manila, hindi lang malaganap ang baha kundi nagsilabasan at naging malaganap din ang basura sa mga kalsada, ilog at sapa gaya ng nangyari sa Paranaque at iba pang mga lugar.

Dala-dala ng baha ang mga basura mismo sa ating kapaligiran.

Ganyan katindi ang sitwasyon natin.

Ngayo’y iniulat ng Office of Civil Defense na may 19 nang namatay sa baha, kasama ang landslide.

Pati kalusugan ng milyones ay nanganganib na rin dahil sa baha at basura.

Ang masaklap pa, milyon-milyon nang mag-aaral ang napeperwisyo sa kawalan ng pasok at pagkasira ng libo-libong eskwelahan.

Gayundin na libo-libo o milyong pamilya ang tumatakbo o naroon pa sa mga evacuation center dahil sa baha at landslide.

Ang hindi lang nakikita at nakikipagsiksikan sa mga evacuation center ay ang mga nakinabang na korap sa flood control scam.

At ang higit na inaatupag ng mga ito ay tanggalin sa pwesto si Vice President Sara Duterte na para bang ito ang puno’t dulo ng mga baha at landslide…na malinaw namang hindi.

Kung ganito ang tugon ng mga korap, higit na paharapin na sila sa mga hukuman at paglilitis dahil sa pangingikbak nila ng trilyones na salaping bayan at itago sa maleta.

Kailangan nang kalusin lahat ang mga korap sa flood control scam at hind paisa-isa gaya ng nagaganap.

Kasama sa mga dapat na makalos ang mga tahasang umiiwas sa mga imbestigasyon sa Kamara, Senado, Palasyo, hukuman at iba pang ahensya ng gobyerno.

Dapat mabilis ang pagkilala sa mga korap at hindi lang sila isalang sa mga imbestigasyon at paglilitis kundi ikulong na rin sila.

Makatitiis ang mga mamamayan at matatanggap nila ang haplit ng masungit na kalikasan ngunit hindi ang sumpa at kamalasang dala-dala sa kanila ng mga korap.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here