Home NATIONWIDE Kamara, BFAR sanib-pwersa sa suporta at proteksyon ng mga mangingisdang Pinoy sa...

Kamara, BFAR sanib-pwersa sa suporta at proteksyon ng mga mangingisdang Pinoy sa WPS

MANILA, Philippines – Nakikipag-ugnayan na ang House Committee on Aquaculture and Fisheries Resources sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) upang matiyak na magpapatuloy ang pagbibigay ng suporta at proteksyon sa mga mangingisdang Pilipino sa West Philippine Sea (WPS).

Ito ay matapos ipahayag ni Bicol Saro Partylist Rep. Brian Raymund Yamsuan, chairman ng nasabing komite na 385,000 na mangingisda ang nakadepende sa kanilang pangingisda sa WPS na nangangailangan ng proteksyon dahil sa “acts of intimidation and provocation” ng China.

Pinapurihan din ng kongresista ang Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine Coast Guard (PCG) dahil sa patuloy na proteksyon sa mga mangingisda sa WPS sa gitna ng pagbabanta ng China na darakpin ang mga dayuhang papasok sa disputed WPS.

Binanggit din ni Yamsuan ang pinakahuling pahayag ng BFAR na ang “no-trespassing’ rule ng China ay walang epekto sa mga mangingisdang Pinoy dahil angdeklarasyon nito ay hindi naman kinikilala kasabay ang pagtitiyak na ang mga mangingisdang Pilipino ay maaaring mangisda sa sakop ng exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas.

“As chair of the House aquaculture and fisheries committee, we are closely coordinating with BFAR to find ways to improve the capability of municipal fisherfolk fishing in the West Philippine Sea as well as in protecting them and our marine resources from illegal activities. BFAR itself said that our fisherfolk can continue fishing in the West Philippine Sea. But such pronouncements should be backed by action and concrete support for our fisherfolk.”

Sa pinakahuling briefing ng komite ay iniulat din ng BFAR ang nakatakdang pagbili nitong dalawa pang Monitoring, Control and Surveillance (MCS) patrol vessels at isang food boat sa taong kaugnay ng inisyatibong suportahan ang pagsisikap ng pamahalaan na mapangalagaan ang marine resources ng bansa sa WPS.

Ipinahayag pa ng BFAR na may P1.8 bilyon ngayong 2024 ang inilaan para sa WPS-related programs kung saan kabilang dito ang pagpapalakas sa Integrated Marine Environment Monitoring System (IMEMS) upang labanan ang iligal at ang unreported and unregulated fishing (IUUF), pagpapatupad ng science-based policies ukol sa fisheries conservation sa WPS, gayundin ang pangangalaga sa data assets sa pamamagitan ng pinagbuti na fisheries regulatory and information system.

“We want to find out from BFAR what needs to be done to speed up the procurement so that it can provide the support that our fisherfolk need, especially those dependent on the West Philippine Sea for their livelihood,” ayon kay Yamsuan. Meliza Maluntag