Home METRO Kandidato sa pagka-konsehal, 2 pa sugatan sa pananambang

Kandidato sa pagka-konsehal, 2 pa sugatan sa pananambang

PAGADIAN CITY, Zamboanga del Sur- Sugatan ang isang kandidato para sa Sangguniang Bayan member sa bayan ng Pitogo, Zamboanga del Sur, at dalawa nitong kasamahan, sa isang ambush nitong Martes ng gabi.

Sinabi ni Pitogo Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office Richard Aliserat na naganap ang insidente ng alas-8:30 ng gabi sa Barangay Upper Panikian sa Pitogo.

Kinilala niya ang isa sa mga biktima na si Falconeri Buton, barangay chairman ng Upper Panikian na tumatakbong municipal councilor.

Inihayag ni Aliser na nagtamo ang mga biktima ng tama ng bala “in their lower extremities” at isinugod sa Zamboanga del Sur Medical Center upang gamutin.

Tumatakbo si Buton sa ilalim ng ticket ni reelectionist Pitogo Mayor James Yecyec.

Inilagad ni Col. Bonifacio Arañas Jr., Zamboanga del Sur police director, na nagtamo si Falconeri ng tama ng bala sa kanang hita, habang nasapul ng bala ang isa niyang kasamahang si Jerry sa kanyang likod, at ang isa pang kasamang si Janise, sa kanyang kaliwang binti.

Ligtas naman ang dalawa pa nilang kasamahan.

Pauwi na silang lima, kapwa residente ng Pitogo, mula sa isang political rally sa Barangay Poblacion nang maganap ang insidente.

Sinabi ng police investigators na pinaniniwalaang hinintay ng mga suspek ang mga biktima sa madilim at masukal na bahagi ng kalsada, at agad na nagpaputok gamit ang high-powered firearms nang dumaan ang sasakyan ng mga ito.

Agad na dinala ng emergency responders ang mga sugatan sa Pitogo Rural Health Unit bago sila ilipat sa Zamboanga del Sur Medical Center sa Pagadian City.

Narekober ng mga awtoridad ang 29 fired cartridge cases sa lugar—siyam mula sa isang M14 rifle (7.62mm) at 20 mula sa isang M16 rifle (5.56mm). RNT/SA