Home METRO ‘Kano pumalag sa holdaper, tigok sa Rizal

‘Kano pumalag sa holdaper, tigok sa Rizal

2
0

MANILA, Philippines — Patay ang isang American national matapos umanong manlaban sa dalawang riding-in-tandem na nagtangkang holdapin siya sa Teresa, Rizal.

Sapul sa CCTV footage na naglalakad ang biktima nang salubungin siya ng mga suspek at tangkaing agawin ang kanyang alahas.

Nanlaban umano ang biktima at hinabol pa ang tumatakas na mga salarin.

Maya-maya, bumalik ang mga suspek at pinagbabaril ang biktima bago kinuha ang iba pa niyang gamit.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya upang matukoy at maaresto ang mga suspek. Dave Baluyot

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here