Home HOME BANNER STORY Kapalaran ng batas sa postponement ng BSKE nasa kamay ni PBBM –...

Kapalaran ng batas sa postponement ng BSKE nasa kamay ni PBBM – Gatchalian

5
0

MANILA, Philippines – Naihain na sa Office of the President nitong Miyerkoles ang aprubadong panukalang batas na nagtatakda ng fixed term ng   opisyal ng barangay at Sangguniang Kabataan (SK) sa limang taon, ayon kay Senate President Sherwin Gatchalian.

Sa pahayag, sinabi ni Gatchalian na kapag nalagdaan ni Pangulong Marcos Jr., ang Senate Bill No. 2397 – epektibong ipagpapaliban ang halalan sa Nobyembre.

Kinatigan ng Mababang Kapulungan ang naturang panukala.

Pangalawang beses nang ipagpaliban ang halalan sa barangay at Sangguniang Kabataan mula sa unang Lunes ng Nobyembre 2026  tungo sa ikalawang Lunes ng   November 2028.

Itinakda din sa panukala ang termino ng   barangay officials na dalawang beses puwedeng mahalal habang isang beses lamang sa  SK officials.

“We have sent it to the president, and as far as I know, there is no news that he will veto it. So, the incumbent officials will be extended for an additional two years,” ani Gatchalian sa media.

“The bill was transmitted to the Office of the President on Wednesday for Marcos’ review and possible approval,” giit pa ng lider ng Senado. Ernie Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here