Home METRO Palengke sa Valenzuela, nasunog

Palengke sa Valenzuela, nasunog

3
0

VALENZUELA CITY, Philippines – Nasa 20 puwesto sa loob ng isang lumang palengke ang tinupok ng apoy makaraang sumiklab ang sunog sa Valenzuela City, Martes ng madaling araw.

Sa ulat ni Valenzuela Fire Marshal F/Supt. Ma. Theresa Alqueza, dakong ala-1:55 ng madaling araw nang sumiklab ang sunog sa Pacheco Flea Market sa Tongco St. Brgy. Maysan sa hindi pa batid na dahilan.

Mabilis na kumalat ang apoy kaya kaagad itinaas sa ikalawang alarma ang sunog na nakontrol ng mga rumespondeng bumbero ng alas-2:39 hanggang tuluyang maapula ng alas-3:15 ng madaling araw.

Inaalam pa ng mga arson investigators ang sanhi ng sunog habang nagsasagawa pa ng imbentaryo sa tinatayang halaga ng mga paninda at ari-arian na natupok ng apoy.

Walang natira sa mga paninda ng mga matatagal ng may puwesto sa nasabing palengke kaya umaapela sila kay Valenzuela City Mayor Wes Gatchalian na tulungan silang makahanap ng puwestong pagtitindahan upang maipagpatuloy ang paghahanapbuhay at mabayaran ang inutang lamang nilang puhunan. (Merly Duero)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here