MANILA, Philippines – Nagpahayag ng kumpiyansa si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na mas lalalim pa ang relasyon ng Pilipinas sa Switzerland at Netherlands sa ilalim ng pamumuno ng kanilang ‘newly designated ambassadors.’
Malugod na tinanggap ni Pangulong Marcos sina Swiss Ambassador to the Philippines Edgard Cristoph Doerig at Dutch Ambassador Roderick Wols sa hiwalay na seremonya sa Palasyo ng Malakanyang.
Sa isinagawang presentasyon ng credentials, inilarawan ni Pangulong Marcos ang relasyon ng Pilipinas at Switzerland bilang “warm and close,” na naka-angkla sa kagandahang loob.
Kumpiyansa rin ang Pangulo na mas patatatagin ng dalawang bansa ang kanilang ugnayan sa panunungkulan ni Doerig.
“I am sure that the time that you will spend here in the Philippines will bring our countries even closer than we already are, and I look forward to working together,” ayon sa bagong Swiss ambassador.
Kinilala naman ni Doerig ang long-standing political at economic ties sa pagitan ng Pilipinas at Switzerland, at maging ang makasaysayang ugnayan sa pagitan ng dalawang bansa.
Tinukoy nito ang pagtira ng Pambansang Bayani na si Dr. Jose Rizal sa Switzerland, kung saan isinalin ni Rizal ang Friedrich Schiller’s “William Tell” sa Tagalog, tumulong para makilala ang konsepto ng kalayaan, civic responsibility, at self-determination sa mga filipino.
Sinabi pa ni Doerig na ang gagawing pagdiriwang ng Pilipinas at Switzerland sa 70 taon ng diplomatic relations sa 2027 ay makapagbibigay ng oportunidad para mas palalimin pa ang bilateral cooperation.
Samantala, kapuwa naman nagpahayag ng kumpiyansa sina Pangulong Marcos at Wols sa lakas at tibay ng Philippine-Netherlands bilateral relations, naka-angkla sa karaniwang maritime heritage at shared values ng demokrasya, karapatang pantao at rule of law.
Sa katunayan, binigyang diin ni Pangulong Marcos ang malakas na economic partnership ng dalawang bansa at potensiyal na palawakin ang kooperasyon sa kalakalan at pamumuhunan, water management, transportasyon at imprastraktura.
Kaugnay nito, binigyang diin naman ni Wols ang matatag na pundasyon ng 75 tan ng Philippine-Netherlands relations at muling pinagtibay ang commitment ng Netherlands sa “international legal order, peaceful settlement of disputes, trule of law at protection of human rights and freedoms.”
Kapuwa naman kinilala nina Pangulong Marcos at Wols ang matatag na people-to-people ties sa pagitan ng Pilipinas at Netherlands, partikular na ang societal at economic impact ng mga pinoy sa Netherlands, kabilang na iyong mga nagtatrabaho sa Dutch-flagged vessels.
Si Wols ay isang career diplomat na naglingkod noon sa Tsina, Brazil, Japan, Iran, Saudi Arabia at Angola. (KRIS JOSE)