MANILA, Philippines – IPINAG-UTOS ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang masusing imbestigasyon sa ulat na may ilang atletang pinoy partikular na ang mga miyembro ng Alas Pilipinas men’s volleyball team, ang nagbabayad ng sarili nilang pera o nagkakanya-kanyang gastos para sa pagkain para sa nagpapatuloy na Asian Games in Japan.
Sinabi ni Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro na ayaw ni Pangulong Marcos na mahirapan ang mga atletang kumakatawan sa bansa dahil nabigo ang gobyerno na tugunan ang kanilang pangangailangan.
“First and foremost, this will be investigated so we can determine what our athletes and players actually experienced,” ayon kay Castro.
“The president does not want those representing our country to be the ones suffering because it appears that the government is not responding to their needs,” aniya pa rin.
Sinabi ni Castro na tutukuyin muna ng administrasyong Marcos kung ano talaga ang nangyari bago gumawa ng konkretong konklusyon.
Idedetermina ng imbestigasyon kung saan nagmula ang pagkukulang at kung ang pahayag ay tama at suportado ng katotohanan.
“Those who abuse their authority, especially when there are issues involving public funds, should indeed be held accountable,” ang winika ni Castro.
They should not think they can simply benefit from or take advantage of the situation without facing consequences,” aniya pa rin.
Samantala, ang pahayag ng Malakanyang ay tugon sa isiniwalat ni Alas Pilipinas men’s volleyball team captain Bryan Bagunas ukol sa kapos na financial support para sa team, kabilang na rito nang ang mga atleta ay di umano’y nagkanya-kanyang bayad para sa sarili nilang pagkain sa panahon ng Asian Games.
“Of course, the support is important. Regarding our allowance, some players have even started borrowing money from their teammates or other people just to get to training or go home,” ang sinabi ni Bagunas.
“It’s really tough for us to train. Sometimes, only seven or eight of us are able to attend because some players can’t make it,” aniya pa rin.
Tinuran pa rin ni Bagunas na ang kanilang allowance ay nagmula sa Philippine Sports Commission (PSC), habang ang ibang gastusin ay mula na sa sarili nilang bulsa. KRIS JOSE