MANILA, Philippines – Ipinatupad na ang bawas na mahigit P7 kada litro sa diesel ngayong araw, Setyembre 29.
Sa magkahiwalay na abiso, sinabi ng Jetti Petroleum at Petron Corporation na ang rollback sa presyo ng diesel na P7.60 kada litro at P0.30 kada litro na bawas sa presyo ng gasolina ay ipinatupad kaninang alas-6 ng umaga.
Magbabawas din ang Petron ng P5.90 kada litro sa presyo ng kerosene.
Sinabi naman ng Jetti Petroleum na magkakaiba ang halagang itatapyas sa kanilang produkto sa magkakaibang lokasyon. RNT/JGC