Home HOME BANNER STORY Karahasan sa Bonifacio Day protests kinondena ng PNP

Karahasan sa Bonifacio Day protests kinondena ng PNP

MANILA, Philippines – Inihayag ng Philippine National Police (PNP) nitong Sabado, Nobyembre 30 na ilan sa mga pulis nito ang nasaktan matapos na magpumilit na pumasok sa barikada nila ang mga nagsasagawa ng kilos-protesta kasabay ng ika-161 birth anniversary ni Andres Bonifacio sa CM Recto Avenue sa Maynila.

Sa pahayag, mariing kinondena ng PNP ang “acts of violence perpetrated by certain rallyists… which led to injuries and the disruption of public order.”

Sa inisyal na ulat, sinabi ng PNP na nagtamo ng pinsala sa mata ang isang pulis na naka-deploy sa lugar na agad namang dinala sa ospital sa Maynila.

“Other officers suffered minor abrasions and received immediate first aid from a medical team on-site,” ayon sa PNP.

Sinabi ng ahensya na nagpapakita ang insidente ng “delicate balance” sa pagprotekta sa rights to free speech ng mga raliyista at mapayapang pagtitipon, kasabay ng pagsisiguro sa kaligtasan ng komunidad.

“Our police officers, who are tasked with safeguarding public safety, displayed remarkable restraint and professionalism even as they faced provocation and aggression,” ayon pa sa PNP.

“Their mission is always clear: to de-escalate tensions, preserve peace, and protect lives,” dagdag nito.

Samantala, nanindigan ang PNP sa pagsisiguro ng constitutional right ng bawat Filipino sa isang mapayapang pagtitipon.

“However, we cannot and will not tolerate any form of violence that endangers the public or undermines the rule of law. Those responsible for instigating chaos and harming others will be held accountable in accordance with the law,” anila.

“We call on everyone to engage in peaceful and meaningful dialogue while refraining from actions that may compromise public safety or disrupt harmony within our communities. Our shared goal must always be a society where voices are heard, and mutual respect prevails,” dagdag pa. RNT/JGC