Home ENTERTAINMENT Kasal nina EA at Shaira, kasado na!ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Kasal nina EA at Shaira, kasado na!January 23, 2025 15:08 FacebookTwitterPinterestWhatsAppTikTok Manila, Philippines- Petsa na lang ang kulang at kakalembang na ang mga kampana sa much-anticipated na pagpapakasal nina Shaira Diaz at EA Guzman.Wala pa mang exact date ay tuloy na tuloy na ito this 2025.Parang lumalabas na for the most part of the wedding ay si Shaira ang may upperhand.Halimbawa na lang ay sa venue ng kasal which is at a church somewhere in Silang, Cavite.Church wedding naman daw talaga ang bet ng aktres.Even her choice of wedding gown kung saan ito iso-source ay siyempre ang bride rin ang nasunod.Shaira will don a wedding gown na binili pa raw nila sa South Korea.Maitatanong–bakit sa SoKor?Isa palang self-confessed big fan si Shaira ng K-drama, K-pop, BTS and even a handful of Korean hotties.Nais daw niyang magkaroon ng something which describes her personality.Kumpleto na rin daw ang kanilang entourage kabilang ang kapwa Kapuso actress na si Arra San Agustin.Naging hassle-free raw para sa kanila ni EA ang wedding preparations.Ang paniniwala kasi ng aktor–ang kasal ay espesyal na araw para sa bride.Kaya naman pag may ideya si Shaira, ipagbibigay-alam muna niya ‘yon kay EA through sending him an image at madali lang mapa-oo ang aktor.It will be noted na kinabibiliban ang malakas na self-control ni EA na never nadarang sa mga “alone” moments nila ni Shaira.Saka na raw ang intimacy pag kasal na sila. Ronnie Carrasco III