Home NATIONWIDE Kauna-unahang agricamp sa mga batang bilanggo, itatayo ng BuCor

Kauna-unahang agricamp sa mga batang bilanggo, itatayo ng BuCor

MANILA, Philippines – Nagkaisa ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan para sa pagtatatag ng isang Agricultural camp para sa Children in Conflict with the Law (CICL) na itatayo sa Pampanga.

Lumagda sa Memorandum of Agreement (MOA) ang Bureau of Corrections (BuCor), Department of Social Welfare and Development (DSWD) at Pampanga State Agricultural University para sa pagtatayo ng naturang pasilidad.

Ayon sa Bucor, sa halip na makulong sa isang regular na penal institution, dadalhin ang mga CICL sa isang agricamp at ibang itatayong training facilities na pangangasiwaan ng ahensya sa pakikipag-ugnayan sa DSWD.

Sa ilalim ng MOA, ang agricamp ang magiging bahagi ng rehabilitasyon ng CICL sa pamamagitan ng sustainable agriculture.

Umaasa naman si BuCor Chief Gregorio Catapang na madaragdagan pa ang mga itatayong agricamps.

Inalok na ng BuCor sa DSWD ang Iwahig Prison and Penal Farm sa Puerto Princesa na mayroon 28,000 hektarya ng lupa. Teresa Tavares