Home METRO Kelot arestado sa sex palit-pera, gadget sa menor

Kelot arestado sa sex palit-pera, gadget sa menor

MANILA, Philippines – Arestado ang isang lalaki na nag-aalok ng sexual intercourse o pakikipagtalik sa isang menor de edad sa inilatag na entrapment operation ng Manila District Anti-Cybercrime Team (MDACT).

Nahaharap sa mga kasong Grave Coercion at Cybercrime Prevention Act ang suspek na si Dennis Go Zales y Peñafkor alyaa Denz , 45, naninirahan sa 13-B Gabriel St., Sipac-Almacen, Navotas City.

Sa ulat ng MDACT, si Peñaflor ay inaresto sa loob ng isang foodchain sa Paco,Maynila.

Ang kaso ng suspek ay nag-ugat sa reklamo ng nakatatandang kapatid na babae ng isang menor de edad na nakatanggap umano ng friend request noong Pebrero 5,2024 mula sa Facebook account na may profile name na Denz Gonzales na may URL https://www.facebook.com/profile.php?id=100080958135458.

Dahil ang nasabing tao umano ang tumulong sa kanila tungkol sa financial assistance sa panahon ng paglilibing ng kanyang yumaong bayaw, kaya tinanggap ng biktima ang nasabing friend request at kalaunan ay nagkaroon na sila ng mga pag-uusap o palitan ng mensahe.

Gayunman, inakit ng suspek ang biktima sa pamamagitan ng pag-alok ng pera at gadgets tulad ng cellular phone upang makuha ang tiwala at loob ng biktima para sa layunin ng pagsasagawa ng sekswal na pang-aabuso o pagsasamantala o paggawa ng anumang anyo ng CSAEM.

Bilang kapalit ng mga inaalok ng suspek, nagpadala ng nude photos ang biktima noong Pebrero 11 at dahil sa insidente na nakarating sa kaalaman ng nakatatandang kapatid na babae ng biktima, agad nitong inireport sa nasabing tanggapan ang usapin.

Pinayuhan naman ng awtoridad ang kapatid ng biktima na makipag-ugnayan pa rin sa suspek sa pamamagitan ng social media account habang ito ay humihirit na makipagkita sa nasabing lugar para sa pakikipagtalik kapalit ng pera at gadget .

Sa pagkakataon iyon, pinlano na ng mga awtoridad ang entrapment operation kung saan naaresto ang suspek.

Nakumpiska mula sa suspek ang isang Cellphone at identification card na nakapangalan sa kanya. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)

Previous articleKelot na bagong laya patay sa pamamaril sa Paranaque
Next articleNTF-ELCAC para sa kapayapaan at karapatang pantao – Catura