Home METRO Kelot na bagong laya patay sa pamamaril sa Paranaque

Kelot na bagong laya patay sa pamamaril sa Paranaque

Patay ang isang bagong laya na lalaki matapos pagbabarilin ng di pa nakikilalang salarin Huwebes ng gabi (Pebrero 15) sa Parañaque City.

Kinilala ni Paranaque City police chief P/Col. Reycon Garduque ang biktima sa alyas lamang na Jun na nagtamo ng tama ng bala sa kanyang ulo na naging sanhi ng kanyang agarang kamatayan.

Sa inisyal na report na natanggap ni Garduque, nangyari ang insidente ng pamamaril habang kumakain ang biktima sa isang kainan na matatagpuan sa panulukan ng E. Rodriguez Street at Taft Avenue sa Barangay Baclaran, Paranaque City.

Napag-alaman sa imbestigasyon na bagong laya lamang ng kulungan ang biktima dahil sa kanyang pagkakasangkot sa kasong may kinalaman sa ilegal na droga.

Patuloy pagsasagawa ng imbestigasyon sa krimen ng Paranaque City police upang matukoy ang pagkakakilanlan ng salarin na hanggang sa kasalukuyan ay tuluyan pa ring nakalalaya. (James I. Catapusan)

Previous articleMatapang na ‘wanted’ kumuha ng police clearance ikinulong!
Next articleKelot arestado sa sex palit-pera, gadget sa menor