LA UNION- Tigok ang isang lalaki matapos na malunod sa ilog sa Brgy. Tavora Proper, Pugo ng lalawigang ito bandang alas-12:15 ng tanghali kahapon, Agosto 25.
Kinilala ng Pugo Municipal Police Station ang biktima na si Michael Librano, nasa legal na edad, laborer, residente ng Brgy. Tuguegrande, Bani, Pangasinan.
Sa isinagawang inisyal inquiry ng mga awtoridad, nabatid na ang biktima at ang mga kasama nito ay nag-inuman sa tabi ng ilog.
Habang nag-iinuman, mag-isa umanong lumusong sa tubig ang biktima para maglangoy.
Makalipas ang ilang minuto na hindi pa bumabalik ang biktima ay hinanap nila ito.
Isa sa mga kasama nila ang nakarekober sa biktima na nasa malalim ng bahagi ng ilog at walang malay.
Agad na dinala sa La Union Medical Center ang biktima.
Gayunman, ang biktima ay idineklarang dead-on-arrival ng umatending doktor. Rolando S. Gamoso