MANILA, Philippines- Isang lalaking may patong-patong na kaso ng panggagahas sa isang menor-dee-dad ang naaresto sa bisa ng warrant of arrest sa Brgy. Daang Amaya 1, Tanza, Cavite.
Ayon sa report na nakalap mula sa tanggapan ni PCol Dwight Alegre Provincial Director ng Cavite PNP, Kinilala ang suspek na si alyas na Aldin, nasa hustong gulang at kasama sa listahan ng Most Wanted Person Regional Level ng pulisya.
Base sa ulat, nagsagawa ng operasyon ang mga operatiba ng Warrant Section ng Tanza Police laban sa suspek. Bitbit nito ang warrant of arrest na inisyu ni Hon. Ralph S. Arellano, Presiding Judge, Regional Trial Court, Fourth Judicial Region, Branch 132, Naic, Cavite, para sa mga kasong dalawang bilang ng Statutory Rape with Criminal Case Nos. NC-367-25 at NC-368-25, walang inirekomendang piyansa at Acts of Lasciviousness in Rel. to R.A. 7610 with Criminal Case No. NC-369-25.
Ginalugad ng mga ito ang Brgy. Amaya 1 kung saan tumutuloy ang suspek.
Dakong alas-5:15 ng hapon nang matiyempuhan ng grupo ang suspek sa tinutuluyan nito hanggang sa maaresto.
Nasa kustodiya ng Tanza police ang nadakip na suspek upang kaharapin ang kasong isinampa laban sa kanya. Margie Bautista